Of Popcorn, Chances, and Pure Love (PN #1) (Published under PHR) - Kabanata 6 (2024)

 

Kabanata 6

"YOU LIVE here?" gulat na tanong ni Chance kay Sweetheart.

Tumango siya. Hindi pala nito alam hanggang ngayon na adoptive sister siya ni Destiny. Kinupkop siya ng mga magulang ni Destiny nang namatay sa car accident ang mga magulang niya noong nasa first year college siya.

Kapatid ng inay niya si Mommy Thea. Noong nakaraang taon lamang siya naging kumportable na tawaging Mommy Thea ang tita niya. Noong una ay alangan pa siya dahil pakiramdam niya ay nakikihati siya sa pamilya ni Destiny. Pero hindi pinaramdam ni Destiny na sampid siya. Bagkus ay tila isang tunay na kapatid ang turing nito sa kanya.

Destiny was like an older sister to her even though Destiny was older than her by months only.

"Yes."

"Kaanu-ano mo si Destiny?"

"Sister," simpleng aniya.

Kumunot ang noo nito. "Sister?"

"Ampon ako ng pamilya nila."

May dumaang kung anong emosyon sa mga mata ni Chance bago iyon nawala kaagad. Nagulat siya ng masuyo nitong hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha niya at inipit iyon sa likuran ng kanyang tainga.

"I'm sorry."

Nagtaka siya. "Para saan?"

Nagkibit ito ng balikat at hindi sumagot.

"Dahil ba sa sinabi kong ampon ako? Don't worry, I'm not hurt. Actually, tunay kong pinsan si Destiny. Nang namatay ang parents ko, kinupkop ako ng pamilya niya."

"Was she good to you?"

She smiled. "The best."

Chance smiled at her too. "That's good."

Hindi niya maiwasang mamangha habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Chance. Ilang ulit na niya itong nakikitang ngumingiti at tumatawa subalit iba pa rin pala sa pakiramdam kapag sa malapitan mo nakita ang ngiti nito at 'yong kaalaman na ikaw ang dahilan ng ngiti sa labi nito.

Ako ba o si Destiny?

"Do you want to go inside?" tanong niya sa lalaki.

He seemed to be thinking hard before he shook his head. "Next time na lang. See you tomorrow, Sweetheart."

Akmang tatanggalin niya ang seatbelt nang naunahan siya ni Chance na gawin iyon. Damang-dama niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.

Kahit hindi nakikita ang mukha ay alam niyang namumula na iyon dahil kay Chance.

"Good night, Sweetheart," masuyong anito sa kanya.

Napatango na lamang siya at tarantang bumaba sa sasakyan nito. Nang nasa pintuan na siya ng bahay ay nilingon niya ang sasakyan ni Chance. Saktong nakasunod pala ang tingin nito sa kanya kung kaya't nagtama ang paningin nilang dalawa. Kumaway ito at kiming kinawayan din niya ito.

Pagkapasok ng bahay ay napasandal siya sa nakapinid na pinto. Nang marinig ang pag-andar ng sasakyan ni Chance ay impit siyang napatili.

Hindi pa rin siya makapaniwala na hinatid siya pauwi ng ultimate crush niya!

"GOOD morning, Sweetheart!"

Gulat na napatingin si Sweetheart sa bumati sa kanyang si Chance.

"G-good morning din, Chance," kiming bati niya sa lalaki.

Nagulat siya ng walang salitang kinuha nito ang bitbit niyang dalawang libro.

"Hindi mo yata kasama ang mga kaibigan mo?"

"Nauna na sila sa classroom, eh," aniya. "A-ano, ako na ang bahalang magbuhat ng mga libro ko. Hindi naman mabigat 'yan, eh."

"Nah, ayos lang."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maiwasang tingnan si Chance sa sulok ng kanyang mga mata. He was really handsome.

"Okay lang bang pumasok ka ngayon?"

Napakunot ang noo niya sa tanong na iyon nito. "Huh? Oo naman. Bakit hindi?"

"Inatake ka ng hika mo kahapon, di ba? Baka kasi kailangan mo ng pahinga." Concern was written all over his face when she looked at him.

Kay Chance, hindi niya kailangang isipin kung umaarte lamang itong nagmamalasakit dahil nakikita niya sa mga mata nito ang sinseridad.

"Ayos lang ako. Normal na 'yong inaatake ako ng hika ko," aniya at kimi itong nginitian.

Nang makarating sa classroom ay ito pa mismo ang naglagpag ng mga libro niya sa mesa niya. She muttered a simple 'thanks' which he answered with a smile.

"Nag-date kayo ni Chance?" bulong sa kanya ni Erin.

Nginitian niya lamang ang kaibigan bilang sagot. Saktong dumating na ang professor nila kung kaya't hindi na siya nito nausisa pa.

"Get a one-eight sheet of paper."

Naghalukay siya sa bag niya subalit wala siyang mahanap na papel. Binalingan niya si Erin. "May extra ka pang yellow paper?"

"Wala na, Fate, eh. Sorry. Nahingi na ni Love."

Napabuga siya ng hangin. Kasunod niyon ay may naglapag ng one-whole sheet of yellow paper sa mesa niya. Pagtingin niya sa kung kanino nanggaling iyon ay ang nakangiting mukha ni Chance ang nabungaran niya. iyan

"I have an extra, you can have it."

"T-thanks," mahinang aniya.

Pagkaputol ng one-eight ay kaagad niyang itinago ang natirang parte. Itatago niya ito sa treasure box niya dahil bigay ito sa kanya ni Chance. Oo, ganyan siya kababaw pagdating sa lalaking ito.

"On the yellow paper, write the thing that you really love or want. It maybe a hobby or a thing."

Music, iyan ang isinulat niya.

"For your final project to be sent three weeks from now, I will pair you up with someone and you need to work together for this. There will be no more presentation, you just need to be precise and concise about your paperwork. Babanggitin ko na ang magiging magka-partner sa project na ito."

She crossed her fingers while waiting for her name to be mentioned.

Please, Lord, kakain na po ako ng gulay twice a week, i-partner Mo lang po ako kay Chance. Kahit po maigsi ang deadline ni Sir, kiber lang.

"Sweetheart Fate Valdez and Chance Aldrei Matthews."

Nanlaki ang mata niya at piping nagpasalamat.

"Kailangan niyong mag-isip ng isang business na kung saan involve ang bagay na isinulat niyong parehas sa yellow paper. Kung contrast man ang isinulat niyo, kailangan niyong maging creative para maging isang business ito. It should be realistic. Ibibigay ko sa president niyo ang format ng buong project. You could use this time to talk about this project. We will have no more meetings from now on so use this free time to work together. Goodbye, class."

Naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Erin. Binalingan niya ito at saka niya lamang napansin na nakatayo na ito pati si Love.

"Mauna na kami, Fate," nakangising anito.

Akmang sasabay na siya dito nang may naramdaman siyang mainit na kamay sa bisig niya.

"Hi again, Sweetheart."

Bye, heart.

Of Popcorn, Chances, and Pure Love (PN #1) (Published under PHR) - Kabanata 6 (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Amb. Frankie Simonis

Last Updated:

Views: 6021

Rating: 4.6 / 5 (76 voted)

Reviews: 91% of readers found this page helpful

Author information

Name: Amb. Frankie Simonis

Birthday: 1998-02-19

Address: 64841 Delmar Isle, North Wiley, OR 74073

Phone: +17844167847676

Job: Forward IT Agent

Hobby: LARPing, Kitesurfing, Sewing, Digital arts, Sand art, Gardening, Dance

Introduction: My name is Amb. Frankie Simonis, I am a hilarious, enchanting, energetic, cooperative, innocent, cute, joyous person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.